VICE PRESIDENT SARA DUTERTE BUMISITA SA PANGASINAN

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang ceremonial turnover ng Assistance to Individuals in Crisis Situations sa lungsod ng Urdaneta.
Umaabot sa mahigit limang daan (500) na mga benepisyaryo ang nakinabang sa nasabing ayuda na karamihan ay mga senior citizens.
Sa kanyang talumpati, binanggit ng bise presidente na kailangan magtiwala ng mga mamamayan sa mga ibinoto nilang mga Brgy. Officials na siyang mangunguna ngayon sa bawat Barangay pagkaupo nila sa pwesto.

Sa huli ay nagpasalamat naman ito sa naging suporta ng ilang mga Pangasinense sa kanyang pagtakbo noong 2022 national elections kung saan ito nanalo. | ifmnews
Facebook Comments