Hinimok ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga residente ng Davao Region na manatiling matatag.
Ito ay matapos na masalanta ang rehiyon ng malawakang baha at landslide.
Pinaalala rin ng pangalawang pangulo ang kahalagahan ng paghahanda sa mga sakuna para maiwasan ang trahedya.
Pinasalamatan din ni VP Sara ang Pangulong Bongbong Marcos sa ipinaabot nitong tulong sa mga apektadong lugar sa Davao Region.
Facebook Comments