MANILA – Naging mainit ang patutsadahan ng mga kandidato sa pagka-bise presidente sa iba’t ibang isyu na kinahaharap ng ating bansa sa isinagawang Pilipinas Debates 2016 kahapon sa University of Sto Thomas sa Manila.Sa pagsisimula agad binanatan ni Sen. Alan Peter Cayetano si Sen. Bongbong Marcos kaugnay ng pork barrel ng senador na napunta sa bogus NGO ni Janet Lim-Napoles.Sinagot ito ni Marcos at sinabing ang pagdinig sa senado ay ginagamit lang ng mga kapwa senador para tumaas ang kanilang ratings.Binanatan naman ni Sen. Antonio Trillanes si Sen. Gringo Honasan sa isyu ng katiwalian na kinahaharap ng running-mate nito na si Jejomar Binay.Iginiit ni Honasan na dapat lamang sagutin ang isyu ng korapsiyon na ibinabato kay Binay pero sa tamang lugar at dapat sundin ang proseso ng batas.Tila napagtulungan ng mga Vice Presidentiables si Marcos sa isyu ng umano’y mga nakaw na yaman ng kanyang pamilya.Bumanat si Congresswoman Leni Robrero at kinuwestiyon ang mga tagong yaman ng pamilya at ang mga naipit na insentibo para sa mga biktima ng martial law.Pero ayon kay Marcos, hindi na nila pinapakialaman ang naturang isyu at itinuro ang kasalukuyang administrasyon na nang-iipit sa mga benepisyo ng mga martial law victims.Sa kabila naman ng patutsadahan, tila hindi bumanat si Sen. Chiz Escudero laban sa kanyang mga kalaban.Samantala sa “yes or no portion” kapwa tumanggi ang anim kandidato ng tanungin kung nasangkot ba sila sa korapsyon.
Vice Presidential Debate, Naging Mainit Sa Isyu Ng Korapsyon Sa Bansa
Facebook Comments