Vickie Rushton, nag-back out na raw sa Binibining Pilipinas?

“You will always be the Binibini queen we never crowned.”

Ito ang naging pahayag ng pageant enthusiast at lifestyle columnist na si Voltaire Tayag sa kanyang latest Instagram post.

Kalakip din nito ang isang personal na litrato na suot niya ang sash ni Vickie Rushton na Negros Occidental na tila tuluyan nang nakapagdesisyon ang kandidata na hindi na itutuloy ang laban sa Binibining Pilipinas ngayong taon.


Sa nasabing post ni Tayag, tila kinumpirma na ang pag-atras ni Vickie sa nasabing pageant dahil sa age restrictions sa iba’t ibang international pageant sa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Inc.

Makikita rin sa post ang malaking panghihinayang ni Tayag sa magandang laban ng pambato ng Negros Occidental sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas.

Say pa ni Tayag sa kanyang post, “I wish you all the best in everything you do Vickie”.

Matatandaan, taong 2018 nang unang sumabak si Vickie sa Binibining Pilipinas at muling sumabak noong 2019 kung saan nasungkit niya ang first runner up.

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kay Vickie at sa Binibining Pilipinas Charities Inc. sa usaping ito.

Facebook Comments