Vico Sotto humiling sa mga supporters alisin ang “Maligayang Kaarawan” tarp niya

219
Image via Facebook/Vico Sotto

Nakiusap si Pasig City mayor-elect Vico Sotto sa mga tagahanga kung puwede nang tanggalin ang ikinabit na tarpaulin bilang pagbati sa kanyang kaarawan.

Idinaan ni Sotto ang simpleng kahilingan sa official Facebook page.


 

“Maraming salamat po sa lahat ng bumati sa aking ika-30 na kaarawan! Pero tapos na ang birthday ko. tanggalin niyo na yung mga tarp na ‘to please! Nagugulat ako sa mukha ko eh,” pabirong mensahe ng isa sa most eligible bachelor ng lungsod.

Ayon sa bagong alkalde ng Pasig, nagpaalam ang mga supporters ipaskil ang kanilang munting regalo. Aminado siyang pinayagan niya ito dahil excited pa sila sa naging panalo niya.

“Pero pagkatapos nito, iwasan na natin ang mga tarp/poster na may mukha ko ha!! Lalo na sa mga public spaces!!,” dagdag ni Sotto.

Nakatutuwa naman ang reaksyon ng ibang netizens.

Sagot ng internet sensation na si ‘Senyora’, “Padala na lang sa Hacienda nung tarp. Salamat”

Sabi naman ni Facebook user Arcel Geonzon, Kahit traffic po sa rotonda basta nandyan mukha nyo Mayor nakakawala ng pagod.”

Para kay Keren Angara, “Iba ka talaga Mayor! You are so humble and down to earth! Blessed kami to have you as our Mayor.

Umabot na sa 400,000 shares and likes ang post ni Sotto.

Facebook Comments

From Advertisers