Ipinahayag ni Mayor Vico Sotto na ang mga bagong patakaran ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dahilan ng mas matinding trapiko sa Pasig.
“In recent days, we have had to deal with even more challenges. Most notably, the efforts of the MMDA along EDSA have greatly increased vehicle volume in C5 and even the interior roads of Pasig,” ani Vico.
Kamakailan ay ipinatupad ng MMDA ang strict yellow-lane policy o hindi pwedeng dumaan ang mga motorista at pribadong sasakyan sa yellow-lane na nakalaan sa buses na ipininta sa mga pangunahing kalsada sa EDSA.
Ikinainit ng ulo ng mga commuter dahil mas tumindi lamang ang trapiko dito.
Ayon kay Vico, hindi mareresolba ang isyu ng traffic hanggat patuloy ang pagdagsa ng mga pribadong sasakyan sa Pasig kahit na ilang patakaran pa ang kanilang ipatupad.
“This means a greater focus on moving people rather than private vehicles. This means incorporating more non-car modes of transportation in our long-term plans,” aniya.
Samantala, nag-trending sa Twitter ang ‘Pasig’ dahil maraming netizens ang nagrereklamo sa lumalang trapiko nitong mga nakaraang araw.
Dear @DPWHph can you study if pwede gawan ng mga bridges ang Pasig River kasi madaming pwedeng gawing daan via the Pasig River para mabawasan ang mga dumadaan sa Edsa and C5. Marami kasing pwede lusutan ang Pasig River kung may bridges or daan nga lang.
— PELIKULista (@PELIKULista) August 14, 2019
@VicoSotto @MMDA lumala na po traffic ng Pasig 😭😭😭 #OrtigasExtensionWorstTraffic
— Mharra Sapa (@MharraSapa) August 14, 2019
Yong sa pasig ka lang naman nakatira at sa pasig lang namn din work mo hustisya inabot ka pa rin ng 2-3hrs.. Biyaheng probinsya 😂😂😂 https://t.co/exz6bgPeIL
— Carmela N. Luna (@iamcarmela1) August 14, 2019
Yung traffic sa Pasig nung may odd even scheme sabi tanggalin na kasi madaming hindi makadaan at hassle. Nung tinanggal naman nirereklamo parin kasi traffic. People will never be contented no matter what solution was given. It's human nature to complain and ask for more. 🤦🏼♀️🤷🏼♀️SMH
— 💬 🎀𝓛𝓾𝓬𝓴𝓲𝓮 🎀 (@allaboutbratti) August 14, 2019
May isang netizen na nagmungkahi na ibalik na lamang ang odd-even scheme na mula sa dating mayor.
Mayor, napakalala po tlga ng traffic in C. Raymundo Ave & Mercedes Ave…I think you mentioned old data nakuha mo sa Pasig nung umupo ka but given na old data nga nabigay sayo pero hindi ganitong ka-traffic dati.Pakibalik nalang po ang odd-even scheme.Baka mabawasan traffic.
— Ana B. (@AnaB54573191) August 14, 2019
Matatandaan din na ipinagutos niya agad ang pagsuspend ng odd-even scheme na ipinatupad noon ng dating mayor ng lungsod na si Bobby Eusebio noong 2016.
Siniguro naman ni Vico na ginagawa nila ang lahat upang masolusyunan ang matinding trapiko sa lungsod.
“We will balance the longer term with the short term need to manage traffic better. This will be difficult, but we are prepared to fight for better mobility in Pasig,” pahayag ni Vico.