Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang “victim representation process” kaugnay sa gagawing imbestigasyon sa “war on drugs” ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng panawagan ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na buksan ang imbestigasyon para sa alegasyong crimes against humanity sa war on drugs ng pamahalaan mula 2016 hanggang 2019.
Sa nasabing proseso, ang mga nasabing biktima ay may karapatang magsumite ng ulat kung saan magbibigay ang mga ito ng views, concern at expectations para sa kanilang konsiderasyon.
Ang Victims Participation and Reparations Section (VPRS) ay responsable sa mga biktima sa proseso sa pagsusumite ng representasyon.
Ang deadline ng paghahain ng victim representation sa ICC ay itinakda sa ika-13 ng Agosto 2021