Victim-sensitive criminal justice system, isinusulong ng Korte Suprema

Isinusulong ngayon ng Korte Suprema ang pagkakaroon ng victim-sensitive criminal justice system.

Ito ay upang hindi lamang nakatuon sa karapatan ng mga akusado ang justice system sa bansa.

Ayon kay Associate Justice Maria Filomena Singh, layon nitong baguhin ang ‘mindset’ ng sistema ng hustisya sa bansa nang hindi natatapakan o nababawasan ang safeguards para sa mga akusado at Persons Deprived of Liberty or PDLs.


Sa pamamagitan din aniya nito ay masisiguro na napoprotektahan ang karapatan ng mga biktima ng iba’t ibang uri ng krimen.

Kamakailan, bumuo ng tinatawag na Multi-Sectoral Guidelines kaugnay rito na sasailalim sa pag-aaral ng Justice Sector Coordinating Council Technical Working Group.

Facebook Comments