Video conferencing app na Zoom, may alok na unlimited call time ngayong holiday season

Kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, alok ngayon ng video at web conferencing application na Zoom ang unlimited call time sa pagitan ng December 23 at December 26, at December 30 at January 2, 2021.

Inanunsyo ng video conferencing platform na babawiin muna nila ang 40-minute limit para sa libreng tawag ngayong holiday season.

Ayon sa Zoom, binago ng COVID-19 ang pamumuhay ng lahat, pagtatrabaho at pagdiriwang ng taon.


Ang hakbang na ito ay sukli nila sa mga gumagamit ng kanilang app sa panahong ito.

Pinatunayan ng Zoom na sila ang mahalagang teknolohiya sa harap ng COVID-19 pandemic para sa trabaho, eskwela, at pamilya lalo na at maraming tao ang napilitang manatili sa kanilang bahay para maiwasan ng mass gatherings.

Simula nitong December 23, ang mga free accounts sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay maaaring i-enjoy ang unlimited na tawag.

Facebook Comments