Video conferencing sa paglilitis sa mga kaso sa mga hukuman, pina-plantsa ng Korte Suprema

Dahil na rin sa epekto ng ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, patuloy ang paghahanap ng paraan ng Supreme Court na maipagpatuloy pa rin ang serbisyo ng mga korte sa buong bansa.

Sa circular number na pirmado ni Court Administrator Jose Midas Marquez, ipinag-utos na ng Supreme Court sa lahat ng mga hukom at clerk of court sa buong bansa ang pagsasa-ayos ng electronic filing at ang pagsasagawa ng pilot testing para sa video conference hearings sa mga kasong kriminal ng persons deprived of liberty o PDLs.

Sa ilalim ng nasabing circular, pinapahintulutan ang pagsasagawa ng mga hearing gamit ang video conference technology.


Magbibigay ang Supreme Court ng 365 judiciary accounts na gagamitin sa video conference hearings ng mga Clerk of Courts, Office of the Clerk of Court at branch Clerk of Courts.

Ipadadala ang nasabing mga judiciary accounts ng kinauukulang Deputy Court Administrators at Assistant Court Administrators sa kanilang mga interim email accounts na isinumite sa Office of the Court Administrators.

Ayon sa Office of the Court Administrator, ang lahat ng mga account users ay kailangan regular na mayroong access sa kani-kanilang judiciary accounts dahil ito rin ang magsisilbing official communications nila sa Supreme Court, OCA at iba pang court users.

Ang gagamit sa judiciary account sa hindi official functions ay kakastiguhin ng Korte Suprema.

Facebook Comments