Naniniwala ang Malacañang na mas kapani-paniwalang ebidensya sa korte ang video footage mula sa isang police body camera.
Ito ang pahayag ng Palasyo habang isinasapinal ang protocol sa paggamit ng naturang tekonolohiya para sa i-record ang law enforcement operations.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang body camera footage ay hindi maaaring dayain bilang ebidensya.
Pinawi rin ni Roque ang mga privacy issues sa paggamit ng video bilang ebidensya sa korte dahil maraming bansa na rin ang gumagamit nito.
Pero sinabi niya na mayroon pa ring mga guidelines na kailangang sundin sa paggamit ng police body camera footage bilang ebidensya sa korte.
Una nang sinabi ni PNP Logistics Director Major General Angelito Casimiro na ang procedures sa paggamit ng body cameras ay hindi pa natatapos dahil sinisilip din nila ang privacy concerns.