Manila, Philippines – Aminado ang Department of Tourism na mayroong mabigat na epekto sa turismo sa Pilipinas ang video message na ipinadala ni Vice President Leni Robredo sa United Nations na bumabatikos sa anti-drug war ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo sa briefing sa Thailand kanina, ang mga alegasyong tulad ng ipinadala ni Robredo sa UN ay nagpapahirap ng kanilang trabago na ibenta at ipakilala ang Pilipinas bilang isang bansa na welcome ang mga turista.
Ikinwento pa ni Teo ang kanilang karanasan na kahit saan sila magpunta ay itinatanong sa kanila kung totoo ba ang extra-judicial killings sa Pilipinas.
Lagi din naman aniya nilang hinihikayat ang mga dayuhan na pumunta sa Pilipinas at paulit-ulit na tinitiyak sa mga ito na ligtas sila sa bansa.