Manila, Philippines – Nagviral sa social media ang alitan ng isang babae at driver ng ambulansya na naghahatid ng pasyente na nag-aagaw buhay.
Nag-ugat ang away kung sino ang magbibigayan sa trapiko.
Sa video, kinumpronta ng babae ang driver na dumuro umano sa kanya.
Pilit namang itinatanggi ng driver ang paratang at iginiit na naghahatid lamang siya ng pasyente.
Pero hindi pa rin nakumbinsi ang babae at nagbanta pa na ire-report ang driver sa ospital at nag-walk out ito.
Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – mali ang pagreklamo ng babae.
Nabatid na nakasaad sa batas na binibigyang daan ang lahat ng emergency response vehicles gaya ng ambulance, fire trucks at police mobiles.
Facebook Comments