Ito ay matapos umabot sa halos 800K views at samu’t saring positibong komento mula sa netizen.
Bago ito, pabalik na sa Isabela Police Provincial Office ang mga kapulisan matapos bisitahin ang isinasagawang Pabahay Project sa naturang bayan nang madaanan ang kusina ni Ginang Gloria Estera na tinutupok ng apoy na nirespondehan naman ng mga pulisya.
Bitbit ang mga timbang naglalaman ng tubig, nagtulong-tulong ang mga kapulisan sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Michael Aydoc, hepe ng Provincial Community Affairs and Development Unit at mga residente na apulahin ang sunog.
Kabilang sa mga kapulisang nagpamalas ng malasakit sina Police Corporal Wendell Agub, Patrolman Benigno Valino Jr. at Patrolwoman Sarah Jane dela Cruz.
Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog nang may maiwang baga sa kahoy na ginamit sa pagluluto at dahil gawa sa light materials ang nasabing kusina kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Wala namang kabahayan na nadamay sa sunog at wala rin na naitalang sugatan o casualty sa insidente.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Steve B Ludan, PRO2 Regional Director ang kahanga-hangang dedikasyon sa serbisyo na ipinamalas ng mga kapulisan.