Ipinakita ng gobyerno ng Mexico ang dramatic video footage kung saan naaresto ang anak ng kingpin at Mexican drug lord na si Joaquin ‘El Chapo’ Guzman.
Sa video, makikita si Ovidio Guzman na nakikiusap na ayaw niya ng gulo habang kausap ang katapid sa cellphone na pinasusuko siya.
Pero dahil sa mga bantang natatangap mula sa publiko at kaanak ng armed forces, nagdesisyon ang gabinete ni Mexican President Andres Manuel Lopez na palayain ang anak ng drug lord.
Pinuna ito ng mga kritiko, pero giit ni Security Minister Alfonso Durazo na mas mahalaga ang pagsagip ng buhay.
Si ‘El Chapo’ ang namumuno ng makapangyarihang Sinaloa Drug Cartel sa loob ng ilang dekada.
Facebook Comments