Video ng pari na hostage ng Maute, kailangan pang i-validate

Tikom ang bibig ng Armed Forces of the Philippines sa kumakalat na video sa Social Media ng isang kristyanong pari na nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang Military Operation sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Brug. Gen Restituto Padilla, kailangang i-validate muna ng militar ang naturang video.

Makikita sa naturang video ang pari na nagpakilalang si Fr. Teresito “Chito” Suganob na Vicar General ng Marawi City.


Sinabi nito na may mga kasama syang madre at guro at mahigit 200 trabahador at mga bata na bihag ngayon ng Maute Terror Group.

Ang kanyang panawagan sa Pangulong Duterte ay itigil na ang kampanya ng military sa Marawi at hayaan nalang ang nga terrorista na manatali sa siyudad, alang-alang sa kanilang kaligtasan.

Aniya, ang nais ng mga terrorista ay hayaan silang ipatupad ang kanilang sariling batas sa Marawi at igalang ng pamahalaan ang kanilang paniniwala.

Sa ngayon, patuloy parin ang isinasagawang clearing operations ng AFP at PNP sa Marawi City kung saan umaabot na sa 65 ang bilang ng mga napapatay na terorista.

DZXL558

Facebook Comments