Video ni John Lloyd Cruz na naghuhugas ng pinggan, viral

via RMN Files

Sa katatapos lamang na first birthday celebration ng anak nila John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto, kung saan sa unang pagkakataon ay nakita na ng publiko ang kaniyang mukha, muli na namang trending si John Lloyd sa internet.


Sa fan account na @ellen_jlc sa Instagram, ibinahagi nito ang video na naghuhugas nga si John Lloyd ng pinggan na umani ng reaksyon sa mga tao.

“Wala nmang masama sa paghuhugas niya ng plato pero may mga bumabatikos pa rin go lang idol mabuhay ka ng simple,” komento ni Janice Ramos.

Matapos ang isang taon na pansamantalang hindi muna nagkaroon gn proyekto, nakitang muli si John Lloyd sa Palawan kasama ang on-screen partner na si Bea Alonzo.

Pinatili namang pribado ni Ellen at John Lloyd ang kanilang anak upang mabigyan ito ng sapat na atensyon at pag-aalaga mula sa industriya.

Facebook Comments