
Hindi isinama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang mga inilabas na video ni Zaldy Co online.
Kung saan isiniwalat niya na sangkot si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., dating House Speaker, at iba pang opisyal sa budget insertion.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon na ang dahilan kung bakit hindi isinama ang binitawang rebelasyon ni Co ay dahil hindi ito galing sa sinumpaang salaysay.
Kaugnay nito, saad naman ni ICI Commissioner Rogelio Singson na sumunod ang mga opisyal sa mga batas kaugnay sa pagbibigay ng mga sworn statements sa imbestigasyon.
Nagtungo ang dalawang ahensya sa Office of the Ombudsman kaninang umaga upang isumite ang kanilang rekomendasyon na kasuhan si dating House Speaker Congressman Martin Romualdez at Co ng Plunder, Anti-Graft and Corrupt Practice Act, at Indirect Bribery.









