
Pinuna ng Malacañang ang inilabas na video presentation sa pagbubukas ng pagdinig sa Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, naging tila mala-drama ang video presentation ni Senator Imee Marcos sa pagdinig sa Senado.
Spliced o pinagtagpi-tagpi lamang aniya ang mga video at hindi isinama sa video ang umano’y pangha-harass ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis habang isinisilbi ang arrest warrant.
Sinagot din ni Castro ang tanong ni Sen. Imee kung bakit isinuko ang dating pangulo sa mga dayuhan.
Sabi ni Castro, walang nilabag ang gobyerno dahil naaayon sa RA 9851 ang pagsuko sa dating pangulo.
Samantala, nilinaw naman ng Palasyo na hindi haharangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagdinig ng kanyang kapatid para ipakita sa publiko na walang tinatago ang pamahalaan.
Itinanggi rin nitong sampal sa gobyerno ang pagdinig ng kapatid ng pangulo, dahil kandidato pa rin siya ng administrasyon.