Video scandal ni Jim Paredes, huwag nang ikalat pa – PNP

Handang tumulong ang Philippine National Police (PNP) sa Apo Hiking Society singer na si Jim Paredes kaugnay sa kumalat niyang video scandal.

Ayon kay PNP Chief, Police General Oscar Albayalde – nakahanda ang kanilang Anti-Cybercrime Group na tulungan si Paredes.

Kailangan lamang aniya ni Paredes na maghain ng complaint lalo at kung alam niya kung sino ang nag-upload ng video niya.


Hinimok ng PNP ang publiko na itigil na ang pagpapakalat ng video.

Facebook Comments