Videoke Bar Manager, Huli matapos Tutukan ng Baril ang Dalaga

101

*Cauayan City, Isabela*-Arestado ang manager ng isang videoke bar sa Brgy. Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ernesto Lanuza, 41 anyos, biyudo, isang driver at residente ng Nappacu Pequeño habang kinilala ang biktima na si Renalyn Artificio, 18 anyos, dalaga at residente ng Solano, Nueva Vizcaya.


Batay sa imbestigasyon ng Reina Mercedes Police Station, personal na nagtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang pananakot ng suspek na tinutukan ng baril.

Agad na tumugon ang pulisya sa nasabing reklamo laban sa suspek at inaresto ito habang nakuha sa kanyang pag iingat ang isang kalibre 38 na baril at mga bala.

Sasampahan ng kasong Grave Threat at Violation of RA 10591 ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments