Videoke, Karaoke, Iba pa, Bawal na sa Bayan ng Burgos

Cauayan City, Isabela- Nagsimula na kahapon, Pebrero 1, 2021 ang pagpapatupad ng PNP sa Executive Order No. 01 Series of 2021 ng bayan ng Burgos sa Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, hepe ng pulisya, kanyang sinabi na mahigpit nang ipinagbabawal sa kanilang bayan ang paggamit ng karaoke, videoke machines at iba pang bagay na lumilikha ng malakas ng ingay at pagsasagawa ng anumang aktibidad na nakakaabala at nakakagambala sa online at modular learning ng mga estudyante.

Ang implimentasyon ng nasabing EO na pirmado at inilabas ni Mayor Kervin Francis Uy, ay ipatutupad lamang ito sa araw ng Lunes hanggang Biyernes.


Sa araw naman ng Sabado at Linggo ay papayagan na ang paggamit ng karaoke at videoke mula alas 9:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi.

Pinapaalalahanan naman ang mamamayan ng Burgos na sumunod sa mga ipinatutupad na ordinansa at protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments