Monday, April 13, 2026

VIDEOKE NA LUMABAG SA ORDINANSA, PINATIGIL NG MGA AWTORIDAD SA BUGALLON

Agad rumesponde ang mga awtoridad sa isang tawag sa 911 kaugnay ng reklamo ng ingay o nuisance na dulot ng videoke sa Barangay Laguit Centro, Bugallon.

Pagdating sa lugar, nakipag-ugnayan ang mga rumespondeng personnel sa may-ari at sa mga sangkot na indibidwal. Ipinaliwanag sa kanila ang umiiral na ordinansa ng bayan hinggil sa pinahihintulutang oras ng paggamit ng videoke, na sa oras ng insidente ay lagpas na sa itinakdang limitasyon.

Matapos ang maayos na pakikipag-usap, pinayuhan ang mga ito na itigil ang paggamit ng videoke bilang pagsunod sa lokal na batas. Kusang-loob namang sumunod ang mga sangkot at pinatay ang nasabing sound system, na nagresulta sa agarang pagresolba ng reklamo nang walang anumang alitan.

Ayon sa mga awtoridad, mahalaga ang pakikipagtulungan ng publiko sa pagsunod sa mga ordinansa upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa komunidad, lalo na sa mga oras ng pahinga ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments