Vietnam Embassy, nakikipagtulungan na sa mga otoridad sa bansa kaugnay sa ginawang pamumugot ng Abu Sayyaf Group sa dalawa nilang bihag

487

Manila, Philippines – Kinukundena ng Vietnamese Embassy ang ginawang pamunugot ng Abu Sayaff Group sa dalawang Vietnamese National na sila Hoang Thong at Hoang Va Hai, natagpuang sa brgy. Tubong, Sumisip Town, pasado alas singko ng madaling araw kahapon.

Sa statement na inilabas ng Vietnam Embassy, nakasaad dito na nakikipagtulungan na sila sa mga kinauukulan dito sa Pilipinas para sa patuloy na imbestigasyon.

Muli namang inulit ng Vietnam Embassy, na mariin nilang tinututulan ang mga pangingidnap at mga di makataong pagpatay, at anila kailangang managot ang mga nasa likod nito.


Matatandaang ika 11 ng Nobyembre 2016, nang harangin ng Abu Sayaff Group ang MV Royal 16 sa karagatan ng Basilan, kung saan kinuha nila ang 6 na tripulante nito, kabilang ang mga pinugutang sila Hoang Thong at Hoang Va Hai, maging ang nakatakas na si Hoang Vo. (June 16)

Facebook Comments