Vietnam, ipagpapatuloy na ang rice exports sa Pilipinas ayon sa DA

Ipagpapatuloy na ng bansang Vietnam ang pag e-export ng bigas sa Pilipinas.

Ikinalugod naman ito ni Agriculture Secretary William Dar dahil makatutulong ito sa panahon na may krisis pangkalusugan ang bansa.

Tiniyak din ni Vietnam Industry and Trade Minister Tran Tuan Anh,na maidedeliver na ang  400,000 metric tons ng bigas na kinontrata ng Pilipinas .


Mula January 1, 2020 hanggang May 1, 2020, ngayong taon, umangkat  ng 666,480 MT ng bigas sa  Vietnam ang Pilipinas at  218,300 MT ang naideliver habang may natitira pang balanse na abot sa 448,180 MT.

Kaugnay nito opisyal na ring binuksan ng Philippine International Trading Corp. ang government-to-

government rice importation para sa supply na 300,000 MT ng bigas na magsisilbing buffer stock sa panahon ng lean months.

Facebook Comments