Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kagustuhan ni Vietnamese Prime Minister Phạm Minh Chínhna bumuo nang limang taong rice importation arrangement sa Pilipinas.
Ito ay sa harap na rin ng isyu sa suplay ng bigas sa bansa.
Si Pangulong Marcos at Vietnamese Prime Minister Phạm Minh Chínhna ay nagsagawa ng bilateral meeting na sidelines sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, Indonesia.
Sa bilateral meeting na ito, inihayag ng prime minister ang kagustuhan ng gobyerno ng Vietnam na mag-export ng bigas sa Pilipinas sa loob ng limang taon, ito ay upang mapanatili ang suplay at presyo ng bigas sa bansa.
Taong 2008, nang una nang pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Pilipinas at Vietnam para magsuplay ng Vietnamese rice sa Pilipinas.
Ito ay nagtagal nang hanggang taong 2010.
Pero sa pagkakapasa ng Rice Tariffication Act noong March 2019, nagkaroon ng restriction sa importasyon.
Sa kabila naman ng mga developments na ito, nanatili ang maayos na samahan ng Pilipinas at Vietnam na nagsusuplay pa rin ng 90% rice imports sa Pilipinas.
Batay sa inilbas na datos ng Presidential Communications Office (PCO) mula January 1 hanggang July 2023, nakapag-export ang Vietnam sa Pilipinas ng 4.84 milyong metric tons ng bigas nagkakahalaga ng 2.58 bilyong dolyar.
Bukod sa rice importation, natalakay rin sa bilateral meeting ang posibilidad na fishery at maritime cooperation para naman maprotektahan ang kabuhayan ng mga ordinaryong mangingisda.