Vietnam, nangakong magsusuplay ng murang bigas sa Pilipinas

Masayang ibinalita ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na nangako ang Vietnam na magsuplay sa Pilipinas ng maaasahan at murang bigas.

Bunga ito ng pulong ni Speaker Romualdez kay Vuong Dinh Hue, na syang pangulo ng National Assembly of Vietnam sa bisperas ng pormal na pagbubukas ng 44th General Assembly ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly.

Diin ni Romualdez, ang pangako ng Vietnam ay makatutulong upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng bigas sa Pilipinas upang maiwasan ang pagtaas ng presyo nito.


Ang Vietnam ang pangunahing pinanggagalingan ng imported na bigas ng Pilipinas.

Bilang kapalit, sinabi ni Speaker Romualdez na handa ang Pilipinas na tulungan ang Vietnam sa mga kailangan nitong produkto at materyales para matugunan ang demand ng iba’t ibang industriya at consumers nito.

Binanggit din ni Romualdez, ang pagpapalawak ng kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng enerhiya at digital transformation gayundin ang pagpapalakas ng palitan ng kalakal.

Facebook Comments