Vietnam, pinuri ang Pilipinas sa mga hakbang nito laban sa COVID-19

Pinuri ng Vietnam ang Pilipinas sa pagtugon nito sa coronavirus pandemic.

Sa kanilang pag-uusap sa telepono, sinabi ni Vienamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc kay Pangulong Rodrigo Duterte na hinahangaan nig Vietnam ang ‘strong measures’ ng Pilipinas sa paglaban sa COVID-19, kabilang ang pagpigil sa community transmission, pagpapatupad ng community quarantine, at pagbibigay ng social protection sa bawat Pilipino.

Pinuri rin ni Pangulong Duterte ang epektibong pagtugon ng Vietnam sa COVID-19 at sinabing maaaring magbahagi ang dalawang bansa ng kanilang best practices kabilang ang pagpapatupad ng mahigpit na quarantine rules at border restrictions.


Binigyang diin din ng dalawang lider ang kahalagahan ng sapat na supply ng pagkain at medical equipment sa harap ng krisis.

Isinusulong din ni Pangulong Duterte ang pagtatatag ng ASEAN Response Fund, na sinuportahan ng ilang Souteast Asian leaders sa ginanap na virtual meeting noong nakaraang buwan.

Facebook Comments