Isang Vietnamese business tycoon at kilalang philanthropist na si Johnathan Hanh Nguyen ang nag-donate sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng personal protective suits.
Partikular ang 750,000 masks at 16,500 personal protective suits na gagamitin ng frontliners ng DFA.
Mismong si Nguyen ang nangasiwa ng chartered flight na sinakyan ng kanyang mga donasyon na personal nitong inihatid sa Pilipinas at ibinigay kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Si Nguyen ang siyang chairman at founder ng Imex Pan Pacific Group (IPPG)
Facebook Comments