Tumanggap ng papuri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa mga Vietnamese leaders sa kaniyang pamamahala sa bansa matapos magtala ng mataas na economic growth rates sa kabila ng global challenges sa world market.
Binati ni Viet Nam President Vo Van Thoung si Pangulong Marcos sa socio-economic, foreign policies, security and defense achievement ng bansa sa ilalim ng kaniyang liderato.
Pinuri din ng Vietnamese chief si Marcos sa mabungang kinahinatnan ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Viet Nam.
Sinabi rin ni Viet Nam Prime Minister Pham Minh Chinh na nais nilang makakuha ng kaalaman mula sa economic strategy ni Pangulong Marcos at ang leadership style nito ay dapat tularan ng Vietnamese leaders.
Nakapulong ni Pangulong Marcos si Prime Minister Pham matapos ang pulong nila ni Viet Nam President Thoung.
“I truly appreciate the role of Mr. President in promoting and creating traditions for businesses from the Philippines to grow and making contributions to the socio-economic development of the Philippines,” ayon kay Prime Minister Pham.
Sa usapin ng trade and investment tiniyak ni Prime Minister Pham kay Pangulong Marcos ang mas malalim pang kuneksyon ng dalawang bansa.
Sang-ayon din si National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue sa mga pahayag nina Viet Nam President Thoung at Prime Minister Pham.
Ayon kay Hue nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Marcos.
Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6 percent year-on-year sa fourth quarter ng taong 2023.
Sa mga bansa sa Asya na naglabas na ng kanilang 4th Quarter GDP growth, pumapangalawa ang Pilipinas kasunod ng Viet Nam (6.7%).
Naungusan naman ng Pilipinas ang China (5.2%) at Malaysia (3.4%).