Vietnamese na bihag ng Abu Sayyaf Group, na-rescue ng militar

Basilan – Nailigtas na ng mga tauhan ng Joint Task Force Basilan ang isa sa mga Vietnamese na bihag ng Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt Jo-Anne Petinglay, alas -9:00 ng gabi kagabi ay na-rescue ng mga sundalo si Do Trung Huie sa Mataja Island, Basilan.

Si Dong Trung Huie ay dinukot ng ASG noong November 11 2016 sa Sibago Island sa Basilan kasama ang iba pang crew ng M/V Royal 16.


Agad na dinala sa headquarters ng Naval Forces Western Mindanao ang nailigtas na Vietnamese.

Sa ngayon, isinasailaim na ito sa medical exam ng mga military doctors sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Sinabi pa ni Petinglay na ang pagkakaligtas sa bihag ay resulta ng walang tigil na operasyon ng militar laban sa ASG.

Facebook Comments