Nahuli ng mga tauhan ng Makati Philippine National Police (PNP) ang isang Vietnamese national matapos makuhanan ng shabu sa N. Garcia Street, Bel-Air, Makati City.
Kinilala ang itong si Son Hai Quach, 31-anyos kasalukuyang residente ng Bel Air, Makati City.
Sa ulat ng Southern Police District (SPD), isang Lalamove rider ang tumawag sa mga pulis sa Makati matapos madiskubre na shabu ang ide-deliver niyang item.
Ang sinabi raw sa kanya ng sender ay facemask ang laman nito pero nang kanyang i-check ay naglalaman ito ng shabu kaya nagsumbong sa siya pulis.
Agad naman umaksyon ang mga pulis kaya nahuli ang dayuhan na siyang tumanggap ng item mula sa rider.
Narekober sa suspek ang 1.5 grams ng shabu nagkakahalaga ng mahigit 10,000, isang cellphone at isang brown bag.
Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.