Nakaditine na ngayon sa Pasay City Custodial Facility ang Vietnamese national na naaresto sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa lungsod ng Pasay.
Kinilala ang suspek na si alyas Cu, 24 years old na inaresto dahil sa unjust vexation at violation dahil sa droga.
Ayon sa Pasay- Philippine National Police (PNP), inaresto nila si alyas Cu dahil sa pambabastos umano nito sa pulisya at paghahagis ng bato habang siya ay hinuhuli.
Sinadya pa nitong banggain ang isang motorsiklo na pag-aari ng awtoridad.
Noong ma-corner ang suspek agad itong ikinulong at dito narekober ang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 2.51 grams at nagkakahalaga ng P17,068.
Nakumpiska din kay Cu ang apat na gray tablet.
Samantala, haharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.