Vietnamese vessel na nagligtas sa 22 Pilipinong mangingisda, hindi dapat nandoon – Piñol

927

Iginiit ni Agriculture Secretary Manny Piñol na ilegal na nangingisda ang Vietnamese vessel na sumagip sa 22 Pilipinong mangingisda sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Piñol – sinumang dayuhang nangingisda sa Recto Bank na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas ay ilegal.


Pero nagpapasalamat ang kalihim sa Vietnamese sa pagtulong at pagligtas nila sa mga Pilipinong mangingisda ngunit hindi sila dapat nandoon.

Sinabi rin ni Piñol na dapat mapanagot at makasuhan ang mga crew ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda.

Facebook Comments

From Advertisers