Vigan City, Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

46

iFM Laoag – Niyanig ng Magnitude 4.1 na lindol ang Vigan City, Ilocos Sur alas 10:48 ng umaga ngayong araw ayun sa PhiVolcs.

Ayun sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Ilocos Sur, walang pinsala ang naitala sa iba’t-ibang bayan ng probinsya.


Mayroon lamang naramdaman na pagyanig na aabot mula dalawa hanggang sampung sigundo sa ilang lugar, kabilang na dito ang Bayan ng San Vicente, Sto. Domingo at Vigan City.

Wala namang nasirang pananim ng mga magsasaka, mangingisda at wala ring nasirang infrastraktura. Higit sa lahat walang nasaktan sa nasabing lindol.

Nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan na maging alerto sa sakuna gaya na lamang ng lindol at isaisip ang Duck, Cover and Hold tuwing may mararamdamang pagyanig. ###Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments