Vigil ng PISTON at Manibela sa harap ng LTFRB, nagsimula na

Nagsimula na ang vigil ng jeepney group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) at Manibela sa harapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa east Avenue Quezon City.

Layon ng overnight na kilos pamamahayag na iprotesta ang plano ng LTFRB na manghuli sa mga hindi nakapag-consolidate.

Ilalatag rin nila ang petisyon na maibalik ang limang taon nilang prangkisa at huwag i-phase out ang mga jeep.


Kinikondena rin nila ang LTFRB sa pagbasura sa kanilang franchise kahit ang sasakyan ay roadworthy pa.

Gayundin, ang patuloy na pagkakaloob ng LTFRB ng permit to operate sa mga online passenger vehicles na lubhang nakakaapekto na sa kanilang hanapbuhay dahil bumababa ang kanilang take home na kita na P300 kada araw.

Facebook Comments