Muling isinara ang daanang nag-uugnay sa Pangasinan at Nueva Vizcaya na Villa Verde Trail sa bayan ng San Nicolas.
Bunsod ito ng mga namataan at iniiwasang mga insidente mula sa pagguho ng mga lupa at tipak ng mga bato dahil sa Bagyong Egay.
Pinaalalahanan na rin ang mga motorista na tumahak ng mga alternatibong daanan dahil hindi na muna ito ibinukas sa publiko.
Muling pinayuhan ang lahat na maging alerto at magdoble ingat sa mga kakalsadahan upang maiwasan ang anumang road accident, gayundin ang paalalang huwag masyado bilisan upang makaiwas sa disgrasya.
Samantala, nanatili ang lalawigan ng Pangasinan sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 at nakaantabay pa rin ang mga line agencies sa mga posible pang mga nangangailangan ng emergency response.

Facebook Comments