VILLA VERDE TRAIL SA BAYAN NG SAN NICOLAS, NAKARARANAS NG PAGGUHO NG LUPA DULOT NG BAGYONG DODONG

Nakararanas ngayong araw ng pagguho ng mga lupa at mga tipak ng bato sa bahaging Villa Verde Trail sa bayan ng San Nicolas bunsod ng patuloy na pag-ulan dahil sa Bagyong Dodong.
Alinsunod dito ay pansamantalang ipinasara muna ng local na pamahalaan ng bayan sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Sta. Fe, Nueva Vizcaya ang daanang ito sa lahat ng mga motorista na dumadaan dito.
Matatandaan na bago pa dumating ang bagyo ay kailanlang ding idineklarang passable na ang nasabing daan dahil naayos na ng ng Clearing Team ng Department of Public Works and Highways ang mga nakahambalang na mga debris at fallen rocks na siyang nagiging sagabal at maaaring pagmulan ng mga aksidente rito.
Sa ngayon ay bagamat wala nang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan ng Pangasinan ay sarado pa rin ang Villa Verde Trail at patuloy din ang pagpapaalala sa mga motorista at publiko na magdoble ingat upang mapanatili ang kaligtasan sa mga kalsadahan lalo ngayong may nararanasang tag-ulan.
Facebook Comments