Bukas na muli sa mga motorista ang Villaverde Road matapos ang pansamantala nitong pagsasara dahil sa pagguho ng bato at lupa sa ilang bahagi dulot ng Bagyong Uwan.
Maaari na itong daanan para sa mas maayos na pagbiyahe, ngunit mananatiling limitado sa mga light vehicles ang bahagi ng kalsada sa Brgy. Baracbac, Sta. Fe Road dahil sa kondisyon ng daan.
Ilang bahagi rin ang nananatiling hindi pa angkop para sa mas mabibigat na sasakyan.
Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat, manatiling alerto, at sumunod sa mga batas-trapiko habang dumaraan sa lugar.
Facebook Comments









