Nananatiling sarado ang Villaverde Road na, kumukonekta sa Pangasinan at Nueva Vizcaya, matapos ang sunod-sunod na pagguho ng lupa at batong dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan habang humahagupit ang Super Typhoon Uwan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Nicolas, simula Nobyembre 9 ay isinara na ang kalsada para sa lahat ng uri ng sasakyan, at batay sa pinakahuling ulat nitong Nobyembre 10, 2025, totally closed pa rin ang buong linya dahil sa rockslides at landslides.
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang pagdaan sa naturang lugar at gumamit muna ng mga alternatibong ruta, kabilang ang Umingan–Lupao Road, para sa kanilang kaligtasan.
Maglalabas umano ng panibagong abiso ang LGU sakaling ligtas na muli ang daan para sa pagbubukas.
Facebook Comments









