Vilma Santos, hinikayat ang mga fans na magpabakuna kontra COVID-19

Nanawagan sa kanyang fans si Star for All Season at Batangas 6th District Rep. Vilma Santos na magparehistro at magpabakuna kontra COVID-19.

Sa kanyang Instagram, isang video ang ibinahagi ni Ate V kung saan iginiit niya ang halaga ng pagpapabakuna lalo na sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Say ng batikang aktres at isa sa haligi ng showbiz industry, ang pagpapabakuna ay hindi lang para sa sarili, kung hindi para sa bayan.


Nitong mga nagdaang linggo ay sunod-sunod na ang mga star na nagpapabakuna kontra COVID-19.

Ilan sa mga ito ay sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Gerald Anderson, Julia Barretto, Anne Curtis, Dawn Zulueta, Aga Muhlach, Regine Velasquez at marami pang iba.

Facebook Comments