Vin Abrenica, paano nga ba pinaghandaan ang pagiging “newly dad”

Limang araw matapos isilang ang baby girl nila ng aktres na si Sophie Albert, hindi pa rin makapaniwala ang aktor na si Vin Abrenica na isa na siyang daddy.

Ayon kay Vin, bagama’t puyat dahil nag-a-adjust pa silang mag-partner, sinusulit nila ang every moment ng bonding with their baby girl.

Mas naging inspired din aniya ang aktor dahil may dalawang tao pa siyang mamahalin ng higit sa kaniyang sarili.


Habang lumalim din aniya ang pagmamahal niya sa kaniyang magulang, dahil hindi pala isang biro ang maging isang parent.

Sa ngayon, binabalak na nina Vin at Sophie na gawin ang baptism ng kanilang baby girl kasabay ng kanilang kasal.

Facebook Comments