Vina Morales, ready na raw muling makipag-date

Manila, Philippines – Ready na raw muli ang actress/ singer na si Vina Morales na makipag-date matapos ang kanyang 2-year relationship sa kanyang French boyfriend na si Marc Lambert.

Say ni Vina, healed na raw ang kanyang puso at naniniwala siyang meron diyan na meant to be para sakanya na makasama niya habang buhay.

Sinabi rin ng aktres na ang long-distance ang naka-apekto sa relasyon niya sa kaniyang ex.


Gayunman, nananatili naman araw bukas ang communication line nila ni Marc.

Hindi rin aniya siya nagsasara ng pinto sa posibleng reconciliation.
DZXL558

Facebook Comments