London – Pansamantalang isinara ang London City airport makaraang may matagpuang vintage bomb sa lugar.
Nakita ang bomba sa King George V Dock na malapit lang sa runway ng paliparan.
Nagsasagawa umano ng konstruksyon sa lugar nang matagpuan ang bombang ginamit pa noong World War II.
At bilang security measure, nagpatupad ng 214 meters exclusion zone sa airport.
Nag-abiso naman ang pamunuan ng paliparan na maipag-ugnayan sa airline company para malaman ang estado ng kanilang mga biyahe.
Facebook Comments