VINTAGE BOMB, NADISKUBRE SA ISANG JUNK SHOP SA SUAL

Nadiskubre ang isang uri ng vintage bomb sa isang junk shop sa bayan ng Sual.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakita umano ang naturang vintage bomb ng may-ari ng junkshop habang naglilinis ito ng mga kalakal.

Agad naman itong ini-report sa hanay ng kapulisan at humingi ng gabay ng Pangasinan 1st District EOD K9 Unit, Alaminos City, Pangasinan Base.

Dito narekober ang isang piraso ng 100mm projectile na siyang mapanganib.

Maayos naman na mai-turn over ang nasabing vintage bomb sa pangangalaga ng Pangasinan 1st District EOD K9 Unit, Alaminos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments