Vintage Bomb, Nadiskubre sa Tubuhan

Cauayan City, Isabela- Narekober ng isang tractor operator ang isang bomba habang naghuhukay ito bandang 10:40 kaninang umaga sa Brgy. Calamagui 1st, Santa Maria, Isabela.

Ayon kay PCapt. Rogelio Natividad, hepe ng PNP Santa Maria, lumalabas sa imbestigasyon na habang naghuhukay sa lupang taniman ng sugarcane si Jose Cabreros, 32-anyos at residente ng Brgy. Gangalan, San Mariano ay agad na tumambad sa kanya ang bomba at idinala sa isang compound malapit sa lugar.

Agad na ipinaalam sa mga awtoridad ang pagkakadiskubre sa nasabing bomba na kinailangang masuri ng tauhan ng explosive ordinance disposal team para matukoy kung ito ba posibleng sumabog.


Pinayuhan naman ang mga residenteng malapit sa lugar na huwag hawakan ang bomba hangga’t ito ito nasusuri dahil sa posibleng ‘di inaasahang sitwasyon.

Posibleng ginamit ang nasabing bomba noong panahon ng digmaan sa bansa.



Facebook Comments