Manila, Philippines – Sugatan ang isang construction worker matapos masabugan ng vintage bomb sa Baclaran, Parañaque kahapon.
Nahukay ang bomba sa excavation activity sa isang construction site sa lungsod.
Ayon sa Southern Police District (SPD) – buhat-buhat ng biktimang si Randy Manalo ang bomba nang ito ay sumabog.
Agad namang nagsagawa ng post blast investigation sa lugar.
Panawagan ng SPD, huwag basta galawin ang mga vintage bomb dahil sa posibilidad na sumabog pa ang mga ito.
Facebook Comments