Natagpuan ng isang mangingisda ang isang vintage bomb sa dalampasigan na bahagi ng Sitio Bagong Barrio, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City.
Agad ini-report ng mangingisda ang kanyang nakita sa mga barangay officials, na agad namang naki-pagcoordinate sa Police Community Precinct sa lugar.
Ang Dagupan City Police, kasama ang mga kawani ng Tondaligan Park Administration, Public Order and Safety Office, PNP Maritime, PNP Explosive and Ordnance Division, at SWAT, ay agad na kinuha ang vintage bomb at sinuri.
Ito ay may habang 4 feet at may bigat na 80 kilograms.
Matatandaang ang Lingayen Gulf, kung saan nakaharap ang barangay, ay ang ginamit ni US General Douglas MacArthur noong 1945 upang muling bumalik sa Pilipinas at gapiin ang mga mananakop na Hapones.