𝗩𝗜𝗡𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗕𝗨𝗦 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗬 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗔 𝗡𝗢𝗦𝗧𝗔𝗟𝗚𝗜𝗔 𝗥𝗜𝗗𝗘 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Bilang selebrasyon sa ika-78 taon ng isang kilalang bus company, isang vintage bus ng Victory Liner ang umarangkada sa Dagupan City, hatid ang nostalgia ride experience sa siyudad kahapon, ika- 12 ng Nobyembre 2023.
Libreng gala at fresh air ang hatid nito sa Dagupeño na tila throwback sa taong 1945 habang lulan ng vintage bus na umiikot at nagsasakay sa ilang city area.
Samantala, ang nasabing vintage bus ay maaaring matagpuan at mapagmasdan sa partikular na araw ng Nobyembre sa ibat-ibang lugar tulad ng Baguio City, Lingayen, Alaminos at Binalonan.

Layunin ng aktibidad na ipaalala sa mga old and new generations ang naging simula sa pamamagitan ng pagpapamalas ng pinakalumang sasakyan sa bawat mamamayan, nabago man ito ng inobasyon ay patuloy na magbibigay pa rin ng kalidad na serbisyo sa komyuters. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments