VINYL LIMITED EDITION | Ultraelectromagneticpop album ng Eheads, ilalabas sa susunod na taon

25

Manila, Philippines – Inanunsyo ngayon ng bandang Eraserheads ang paglalabas ng iconic album nila na “ultraelectromagneticpop!” sa ilalim ng Sony Music Philippines.

Ang Ultraelectromagneticpop album ay inaasahang ilalabas sa 180 gram na plaka sa kauna-unahang pagkakataon sa 2019.

Dahil Vinyl, limited edition lang ang nasabing album kung saan 2,500 copies lang ang ibebenta.

Hindi pa naman alam kung magkano ang presyo ng Ultraelectromagneticpop album.

Facebook Comments